Bake At First Plan



Nagkasundo nga kami ni Maximilian sa current plan namin at sa unexpected break down ng oven namin so we come up of a plan. Sa ngayon as expected from the flow of the situations we decided to temporarily stopped our online cupcake orders for our page on Facebook... The Bake Plan.

Sa ngayon din kasi ang nakikita kong rightful thing to do is to set aside our dream of having the official TBP shop and settled on replacing the source and tool of the cupcake production, the oven.

Like he said, it's risky too knowing that all we have in our pockets were a mere eleven thousand pesos.

"Here's the plan, for the meantime we'll apply for work" I remember myself telling him that as he's all ears on listening to the new plan as I flipped the pages of the daily newspapers.

"You'll work as a barista... and I, as an ad agency assistant" mabagal na turan ko habang binibilugan ang ad sa newspaper ukol sa trabahong target namin.

"I love you Missy" wala sa sariling napatingin ako sa kanya na animo'y kanina pa pala ako tinititigan.

"We'll get through this okay?" pag assure ko sa kanya kahit mismong sarili ko pinagdududahan ko din.

Wala sa sariling pinisil ko ang kamay kong nakahawak sa kanya, atleast if I'm down and he's down we can still look out for each other and we can console ourselves.

I just hope we'll get through this.

"How's work?"

Pagod akong napangiti sa pambungad na tanong ni Maximilian sa akin, hawak ang ibang irereview na dokumento galing sa kumpanya habang hinuhubad ang pumps ko.

"Good evening honey... tiring as always" sabi ko at binigyan siya ng mabilis na halik sa pisngi.
Nagpalit muna ako ng damit at sinabayan na din siya sa pagkain. May mga ilang buwan na din kami sa kanya kanyang trabaho, nakakatawa dahil kung ano yung iniiwasan ko kababagsakan ko din pala.

Matapos naming maghugas ng pinagkainan pagod siyang humiga sa kama katabi ako. Ramdam ko ang pagod niya. Pareho kaming pagod.

Wala sa sariling minasahe ko siya. As months passed by us adami kong namimiss sa aming dalawa, namimiss ko ang ganito, ang bawat lambingan namin at intimacy namin together at habang tumatagal nawawalan na kami ng time sa isa't isa.

"You're tired" malambing na bulong ko kay Max na napapikit sa pagmasahe ko sa kanya.

"I almost slipped someone's coffee hon" he chuckled and I just continued what I'm doing.

"Let's sleep hon, pagod ka din"

"Okay"

Mga Komento