Bake At First Plan



Ang sakit mabaliwala ng taong mahal mo. Walang katumbas ang sakit na pinagdadaanan namin ngayon. Araw araw kaming walang pansinan, yung dating kahit halos pagod pero magkayakap na mag asawa tuwing natutulog sa gabi halos ilang dangkal at dipa ang layo sa isa't isa.

Naging cold si Maximilian. Sa umaga, oo nga at nagkakasabay na kami kumain ng agahan at halos magkasabay at magkatugma ang bawat schedule namin pero malayo pa din ang loob sa isa't isa. Tinalo pa niya ang lamig sa north pole.

Lagi lang siyang nakaupo sa isang sulok, tahimik na nagkakape habang nagbabasa ng dyaryo hindi ko mabilang kung ilang beses o kung anong buwan na nga ba ang inabot ng matinding pagtatampo sakin ni Maximilian.

Umalis si Max at nagtungo sa kwarto.

Nadali pa niya ang table causing the fixed wedding topper to be broken again, deafening silence envelopes the wholeness of the place and once, he did not bat an eyelid for the broken porcelain toppers and still went to our room afterwards.

Ako ang kumuha ng basag basag na wedding topper. Sinundan ko na din siya sa kwarto at walang sabi sabing umupo sa gilid ng kama na sobrang layo sa kanya.

Tinitigan ko ng mabuti ang babasaging nabasag at wala sa sariling tinago ko sa nightstand drawer namin pagkatapos patayin ng ilaw at dahang dahang tumabi sa kanya.

Niyakap ko siya at masuyong hinaplos ang pisngi niya at pinagdikit.

I'm so sorry Max.

At ngayon nga'y umabot pa ang gulo sa birthday niya.

"Happy birthday honey" nakangiting bati ko sa kanya at inabot ang simpleng vanilla cupcakes na may kandila sa kanya na nagkukukutkot ng kung ano sa phone.

Gulat at awtomatiko niya akong nilingon. Maya maya'y napangiti din pero matapos mapasulyap sa dulong bahagi ng counter na pinanggaligan ko napasimangot naman at nainis pa ata.

"You don't get it" matigas na sabi niya at tumayo ng marahas mula sa pagkakaupo.

"W-what?" napaamang naman ako at napatayo din.

"I can't do this anymore" nakapikit at medyo frustrated niyang sambit at mabilisang tumaas sa kwarto naming dalawa.

Tila nabingi ako sa simpleng katagang binitawan niya.

"I can't do this anymore"

"I can't do this anymore"

"I can't do this anymore"

"I can't do this anymore"

"I can't do this anymore"




And that stopped my heart.

Mga Komento