"Let's sleep hon, pagod ka din"
"Okay"
Bagsak ang tingin ko sa bawat inilalapag kong papeles sa office ng board members, lumilipad ang utak ko sa alaala ko sa last na usap namin ni Max. Both busy na kami lalo na ng mapromote siya sa coffee shop bilang barista at ako naman dito sa kumpanya.
Ilang buwan na din ba yon?
"Mrs. Buenaprante?"
"Missy? Are you with us?"
"H-huh?"
"Missy... you seems... off"
Mas nagbaba ako ng tingin at nakagat ang pang ibabang labi ng makita ang ekspresyon ng mukha nina Mam Jenal at Sir Rogers. Nakataas ang kilay, nagtatanong at concern na mga mata.
"We said that you can go now but... are you okay Alineah?"
"Sorry Mam Kendall"
"It's okay, you can go now. Maybe rest for a bit and take your first time of early off" mapag unawang sabi ni Mam Kendall na sinangayunan ng dalawang kasama nito.
Tumango ako ng tipid at nag-ayos na para umuwi. Nagtake out ako ng dinner ko. For months we became more serious with work. Idagdag pa ang huli naming usap ni Max na lagi din pagod bilang barista.
I eat silently and counted the salaries I've been keeping for the oven. As well as Max's.
"Sixty six thousand pesos" there's more to that.
I can make it to hundred. Baka mapromote na din naman ako then we can return to our usual self and proceed on planning on The Bake Plan.
"What do you think?"
Hindi ko talaga alam. Kanina pa inaassemble ni Max ang oven namin, finally after a lot of hardships at lahat ng pagtitipid para dito nasa katuparan na din namin ang pagpapalit ng nasirang oven namin ang kaso nga lang...
"I don't know hon... n-naninibago lang siguro" mahinang sabi ko at inayos na lang ang user's manual about sa oven namin na nabili namin sa halagang one hundred nineteen thousand two hundred sixty three pesos.
He fell silent. And I'm glad hindi na siya nakipagtalo pa. Tumayo na siya mula sa pagkakaluhod ng mapadaing sa pagtama ng noo sa oven.
"Goodness you okay?" I rushed beside Max ng bigla siyang tumunghay at nadali ang ilong ko na agad na dumugo.
Pareho na tuloy kaming napaupo sa sahig habang pilit niyang pinipigilan ang pagdugo ng ilong ko ng may marinig kaming nabasag.
Napatingin naman kami sa sahig at making gulat ng makita namin ang wedding topper ng wedding cake namin noon na nabasag.
I didn't know how to react to be honest and I just found myself staring at Max na tarantang pinupulot ang nagkabasag basag na topper sa sahig.
"N-no no no... don't worry... I'll fix this, I'll fix this" pinupulot pa din niya ang nabasag na topper ng mapadako ang tingin niya sa akin na nakatulalang nakatingin sa kanya at katatayo lang.
"Honey..."
"I... I'll just fix this" sabi ko at hinawakan ang napinsala kong ilong at dumiretso na sa banyo leaving him in our kitchen.
Hindi ko na alam ang nangyari sa kanya o ang ginawa niya sa nabasag na wedding topper lalo na at lumipad talaga ang utak ko sa bawat ot ko sa trabaho gaya niya, ang kawalan namin ng time sa isa't isa at ang pagiging busy namin sa track ng buhay namin na kinadestino namin mula ng masira ang oven namin habang pinupunasan ang ilong kong dumudugo.
"Hey, I think... I think we could work a little more and get a bigger kitchen" marahan siyang naupo sa tabi ko.
"But the plan you know/Okay"
Ayon nga ang nangyari. We work hard, promoting ourselves, and slowly upgrading everything about our house especially the kitchen. We opt to destroy the walls of some parts in our house and we recreate them for the better.
Slowly... we can taste and feel the fruit of our success in our chosen line of work.
Mas nagfocus kami ni Missy sa pag improve ng bahay at sa lahat ng house appliances. She got promoted and later lagi na din siyang late umuuwi, nakakain na at tutulog na lang pagkadating na pagkadating sa bahay namin.
Ganon din naman ako, with every promotion every responsibility and tasks behind that position is all I need to be taken care of kaya madalas wala kaming time sa isa't isa.
One time, we tried baking cupcakes again but as she mix the cupcake mixture and as soon as I put something on tbe fridge pagkapihit ko sa pwesto niya, nakatulog na siya.
Tiredness evident on her face kaya no choice ako noon kundi binuhat siya and carefully slid her on our bed as I slowly caress her face wishing that I could go back in time.
In a short period of time the improvements on the house of ours is really visible. Nakakabawi na kami at unti unti ramdam naming stable na kami at matiwasay na ang buhay namin lalo pa sa di na rin mabilang bilang na investments namin.
But one morning, as we are preparing ourselves for work...
"Is there some milk left?" I was reading the morning newspapers when Missy came, in her usual corpo attire same as mine while looking for some fresh milk.
"I don't know..." alangan pa ako habang nagpapatuloy siya sa paghahalungkat ng fridge.
"Surely there's still some left" sabi niya at nagbuklat sa cupboards ng maagaw niya ang pansin ko.
"Oh... look what I found"
Dun ko nakita ang lumang box ng cupcake business namin noon kung saan ko nailagay ang sirang wedding topper namin.
"I've never got the chance to fix it. I'm sorry" paghinging dispensa ko kay Missy habang tutok pa din ang tingin sa sirang wedding topper.
"No it's okay... it's just... we've been just so busy the past years I mean when was the last time we baked something, Oh I have to go" sabi niya pa ng tumunog ang notif ng phone niya pagkatapos ay umalis na nga.
I glanced longingly at the cupcake that's part of the topper.
"We should bake something then..." I said at her na natigilan sa inaayos.
"What? You mean... as in now? Sorry you know I can't" sabi niya habang patuloy na nagtututunog ang phone niya sa bag. Halata ang pagmamadali sa kanya na lihim kong ikinadismaya.
"Oh... yeah I know" tanging nasabi ko na lang still trying so hard to hide the huge dissapointment in my voice na parang wala naman sa kanya.
"Me and you will bake another day" assure niya sa akin na halatang pambawi naman but nevertheless, I smiled.
Nakaalis na din siya agad but I'm still in my deep thoughts, as my mind's wandering off to something.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento