Bake At First Plan




Patulog na kami ngayon.

Kahapon matapos makaalis ni Missy para sa trabaho ang siyang di ko talaga inaasahang pangyayari na hanggang ngayon bumabagabag pa din sa akin at mas nakapagpatriggered ng halo halong emosyong nararamdaman ko.

"Well well well... look who's here" natigilan ako ng madinig ang pinakapamilyar na tinig sa akin na kahit ilang taon na ang lumipas hinding hindi ko pa din malilimutan.

"Goodmorning Sir Dionicio Efarca" magalang na pagbati ko sa ama ng asawa kong si Missy.

"Tingnan mo nga naman ang karma oh, ano ha? May napala nga ba kayong talaga ng walang kwenta kong anak matapos niyong ipaglaban ang kababawan niyong iyan?! Napalalamon ba kayo ng desisyon niyong iyan? Nakakatawa, kung ano pa ngang iniiwasan niyo dun pa kayo bumagsak" nang iinsulto niyang sambit sa akin na pinipilit 
kumalma kahit na ako ang mismong nagagalit at nasasaktan para kay Missy laban sa tatay niya.

"Kung ano mang kinahinatnan namin at ng bawat desisyon namin sa buhay ay labas na kayo. Asawa ko ang binabastos niyo Mr. Efarca, anak niyo. Dapat nga matuwa pa kayo at maproud sa kinahinatnan niya, we are both financially stable and secured and we finally done it with ourselves and without any of your help. Excuse me Sir but I think I'll just have someone to assist you with all your needs" badtrip na sabi ko at pinasok na lang ang kusina kung saan naabutan ko sina Applejoy at ang kitchen staffs.

"Bad trip ka ata ngayon gwapo... Palamig ka muna oh?" sunggab agad sakin si Applejoy kahit na alam naman niyang may asawa na ako at pilit akong umiiwas sa kanya.

"Hindi na Applejoy, Nellie! Kindly assist Mr. Efarca out there. I'll help here instead" pag-iwas ko sa kanya na napagtagumpayan ko naman all thanks to Dexter.

Ayaw ko kay Applejoy, she likes me but I don't like her the way she like me. I can only picture her in my mind as a younger sister. 

For years of seducing me... I'm still loyal and my heart will always and forever beats for Missy Alineah E. Buenaprante.

"So tommorow's our anniversary..."
Eto na... Sisimulan ko na at sana naman making siya ng mabuti at kahit sana sumang-ayon na din sa suggestive plan kong ito para sa celebration ng anniversary namin.

"Wow yeah, six years..." sabi nito na halata namang pilit na inieenjoy at ineengrossed ang sarili.

"Here's the plan, I get home early, you get home early" nakangiting sabi ko habang kayakap ko siya at pandisiksik sa leeg ko.

"I'll try" At nag aalanganin na naman si Missy.

"And we celebrate" pilit kong pinapasigla boses ko kahit sa totoo lang sa loob loob ko, wasak at halos magkapira piraso na ang puso ko.

"Okay... Okay sounds great" And she just don't care at all.

"But seriously, you promised?" Pangungulit ko.
 
"I promised" nakangiting turan niya which I highly doubt.

That day... The day of our anniversary I regretted the fact that I get my hopes up and expected her to do more for us.

*Gravity Falls ThemeSong Ringing*
I glanced at my phone as I finished myself with some Lavander Lust perfume from Scent and Fragrance Works at nakitang 7:30 na sa alarm. I was readying to go home early for our anniversary celebration ng pumasok si Wilma sa office ko.

"Another set of batch to be taken care of Buenaprante, due tomorrow" poker faced na sabi nito sabay lapag ng halos isang tore na ng dokumento sa table ko.

"Uhm... Di ba pwedeng bukas na lang? Maaga kasi ako ngayon saka di pa naman nachecheck ni Sir Dupe yung katatapos ko lang na documents" nahihiya na ako at halos maibulong ko na lang ang nais kong iprotesta ng magsimula siyang mag mimick ng wall clock ticking sounds.

"Tic toc tic... Toc..." Poker faced pa amp!

"I'll do it" kagat labi kong sabi sa kanya na wala man lang pinagbago ang pagmumukha.

"Yey! Ang sipag mo lodi" balewalang sabi niya at umalis na sa opisina ko.

Ang sarap talaga niyang sampalin kahit kelan! She badly needs to be slapped ng matauhan sa nabubulok na ugali!!

Isang malalim na buntong hininga at nagsimula na ako.

"I'm home! I'm sorry I'm late!" halos magkanda dapa na ako ng makapasok sa pintuan ng bahay. Walang ilaw at sobrang dilim na! 11:30 na ako naka out eh what to expect ba?!!

"Hhhhhmmmmm" ungot ng kung sinong pagod at tila inaantok ang nabungaran ko sa large glass window ng bahay.

It's Max! Nakasubsob at tila ba kanina pa naghihintay. And then I get to glance at everything.

"What? Oh no no... I'm sorry, I... I got to finish this thing and then it got dark and you, You prepared all this..." Unti gusto ko ng lamunin ng lupa! With a bucket of wine, a lit scented candle na paupos na at ang wedding topper namin na inayos na niya...

What have I done?

"You forgot"

Shit... Shit... Shit...

"N-no... No..." Ilang santo pa ba ang tatawagin ko para lang mapatawad ako ng nagtatampo kong asawa, but to what he actually said...

"We can still quit" What the actual fuck?

"What? Are you serious?" Hindi ako makapaniwala! I can't hide the dissapointment laced on my voice as if I just spat out some neurotoxic venom.

"We lost sight of it but we can still follow the plan together" mahinahon ngunit malungkot na ani ni Max habang nakatingin sa akin.

"But we're good... I mean we're finally stable why risk our jobs in the house and you know they..."

May nilapag siya and I think... I think I just got back to square one to where it all started.

"So here's the plan, we keep living happily together, we keep baking and baking and baking"
"We planned our wedding which is very simple except for the cake. The best cake. Then we promise to love each other a lot"

"And then we keep on loving each other a lot forever"

"Yes. Sounds perfect"

For a moment... Maximilian is right. We lost sight of it and we couldn't take it back. We change our priorities settling everything out like as if the original plan is a trash.

Nilapag lang naman niya ang lumang litrato ng prospect bakery namin noon na siyang dahilan at bunga ng kung anong meron kami ngayon.

He placed the prospect picture of The Bake Plan in our table, and in a swift move... It changes everything.

Mga Komento