Bake At First Plan


"So here's the plan, we keep living happily together, we keep baking and baking and baking" Lol. Mukha kaming tanga na nag eexecute ng mga plano at parang 5/6 na nagkakalkula at nagkukwenta ng mga utangin at mga nagbabayad sa amin.

"We planned our wedding which is very simple except for the cake. The best cake. Then we promise to love each other a lot" pagpapatuloy ko pa at pinunto agad ang mga planong nakalatag na sa isip at sa trusty memo notebook ko. Parang bata naman siyang nakikinig na panay ang tango na kitang kita sa gwapo niyang mukha.

"And then we keep on loving each other a lot forever" parang batang patuloy niya at sa hindi malamang dahilan... Biglang bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa kanya na nagsisiyasat pa ng maigi ukol sa mga plano.

"Yes. Sounds perfect" patuloy pa nito at nangingiti na and all I could do is to look at him in awe.  Guess I still couldn't believe that I get disowned because of choosing him over and over again.

I love him. It'll always be Max. He's all that I need.

"Ano itong nababalitaan kong napapadalas daw ang labas mo kasama ang kung sino mang hudyo sa pinapasukan mo ha?!"
Agad bumalot ang takot sa sistema ko ng umagang umaga, pagkagising na pagkagising ko dumadagundong na sigaw na agad ni Daddy ang umalingawngaw mula sa dining namin kasabay ng mariing pagbagsak niya ng dyaryong lagi niyang binabasa tuwing almusal kasabay ng saway ni Mommy.

"Dionicio por favor! Umagang umaga! Ang bunganga mo!! Hayaan mo siya!! Sige lumandi siya sa hampas lupang iyon at makikita niya ang mangyayari pag pinairal na naman niya ang katangahan niya!" matigas ang nanay niya ng umalis sa dining kasunod ng tatay niyang nag iinit pa din.

"Walang utang na loob!! Pinayagan ka na namin at lahat sa patapon mong pangarap eto pa ang igaganti mo?! Pimili ka! Kami o ang lalaki mo?!" And that actually caught her off guard.

Yes, she maybe a fresh graduate major in Baking Arts and Pastry pero ang pagpili at pagpressure naman ata ng mga ito matapos ng pagkakasagot niya kay Max sa isang taon nitong panliligaw sa kanya ay sobra na naman ata.

"Sumosobra naman po ata kayo! You and I both clearly know that I am a fresh graduate former culinary student and a rookie girlfriend to Max and then you'll pressure me into this? Choosing between you and him?" hindi na niya napigilan ang matagal ng kinikimkim na outburst.

"Aba't!! Walanghiya ka!! Pinaaral, pinakain at binuhay ka na namin pero eto pa igaganti mo?! Natututo ka ng sumagot sagot sa amin!! Eh tingnan mo nga sarili mo!! Patapon na nga ang buhay at pangarap mo eh heto't nakuha mo pang magnobyo!" gigil na gigil ang nanay niya na inaalalayan ang ama niya.

"Kung talagang mahal mo kami ng Nanay mo hindi ka magdadalwang isip na sundin kami Missy anak..." pag mamanipula pa ng ama niya.
"You both know what I'm gonna choose..."
Agad na gumuhit ang malaking ngiti sa mga labi ng mga ito na agad ding nawala matapos ng kasunod niyang sinabi.

"I'm choosing Maximilian Leroy Buenaprante"

Sira na nga ang bait niya.

"DON'T YOU DARE!! You know what my hands are capable of Missy Alineah Gozon Efarca!! I'll disown you alam mo yan!!" nahihinatakutan ang ama niya na matigas niyang kinalaban ng tingin.

"Then... Disown me"

"So let's proceed to the plan" nakangiting pagpapatuloy ko pa at napakurap kurap matapos mabalik tanaw sa alala kong pilit nililimot.

"Oh I've know that already, infact we're doing it now right Hon?" balewalang saad nito sabay sandal ng likod sa sofa ng bahay nila at umakbay sa kanya.

"Not that plan. This plan"

Mga Komento